Pagbisita sa Proyekto ng Miyembro

Personal na binista ni Fr. Jim Ruga, Adviser ng Saklaw Foundation, Inc ang proyekto ng ilang miyembro ng SFI Roxas Branch mula sa Barangay Sta. Brigida at San Antonio sa Mansalay. Kabilang sa kanyang nakausap sina Gng. Jocelyn Baliguat na labing limang (15) taon ng miyembro ng SFI, center leaders na sina Aurora Samarita, Felipa Arabia at Robelyn Sandro gayundin si G. Romy de Roxas asawa ng miyembro na si Gng. Cristita de Roxas at Agri-Negosyo (ANYO) client na si G. Marcial Anastacio.

Lubos na nagpapasalamat si Fr. Jim sa tulong nina Manager Sally at AO Mac na nakilala at nakamusta nya ang ilang mga miyembro na patuloy na nagsisikap kahit na sa panahon ng pandemya. Gayundin sa suporta nina Sir Ness at Ma’am Babes para sa actual project visitation at pagsama nina Sir Gil at Sir Derek sa mga visitation ng adviser sa SFI centers at projects.

#TatakSFI

#SaklawFoundationInc