Visit to the Client’s Business

Pagbisita ng Chairman sa Proyekto ng myembro ng SFI.

Pumunta si Fr. Jimson H Ruga chairman ng Saklaw Foundation, Inc. (SFI) sa Brgy. Gutad Calapan City upang personal na bisitahin ang ang kalagayan ng proyekto ng mga myembro. Sa kanyang pagbisita kanyang nakapanayam ang dating Kapitan ng barangay at ngayon ay kasapi ng SFI na si Gng. Delia Barriga. Dito ay kanyang ipinakita ang kanyang taniman ng gulay, pakwan, sagingan at kalamansian.

Lubos ang kagalakan ni Fr. Jim na makitang sa kabila ng pandemya ay patuloy na gumagawa ng paraan ang mga kasapi ng SFI na magpatuloy ang buhay sa pamamagitan ng kanilang proyektong pangkabuhayan.

#tataksfi

#SaklawFoundationInc