PHIL-ID CARD

PABATID | May 10, 2020

Maaari na po tayong magregister sa online registration ng

PhilSys: https://register.philsys.gov.ph

Ang PhilID ay walang expiration! Hindi mo na rin kakailanganin ng physical ID para sa mga transaksyon. Sapat na ang PhilSys Card Number o PCN bilang patunay ng pagkakakilanlan para makapag-apply sa mga scholarship o loan, makapagbukas ng bank account, at iba pang serbisyo!

Tandaan na ang pagtatala ng maling impormasyon sa PhilSys ay may karampatang parusa na tatlo (3) hanggang anim (6) na taong pagkakakulong at multang PhP 1,000,000 hanggang PhP 3,000,000 alinsunod sa Section 19 ng Republic Act No. 11055, o ang PhilSys Act.

Makiisa po tayo sa layunin ng PhilSys na mairehistro ang lahat ng Pilipino.

PAALALA:

📍Ang pagpaparehistro sa PhilSys o pagkuha ng PhilID ay WALANG BAYAD!

📍Kung may PSA enumerator na bumisita na sa inypng bahay upang magkalap ng demographic information (name, sex, date of birth, place of birth, blood type, address) at nag-iskedyul ng appoinment bilang parte ng PhilSys Step 1 registration hindi nyo na po kailangang magregister online.

#IDNatin