Event details
- May to June 2026
- 8:00 A.M
- Oriental Mindoro Muncipalities
- +63 43 288 9470
Sa pagpapatuloy ng programang SFI Balik Eskwela, matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies sa 2,672 mag-aaral sa antas ng elementarya mula sa iba't ibang paaralan sa lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong muling nagsimula ang panibagong taong panuruan.
Bahagi ng adhikaing ito ang pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na kagamitan sa kanilang pag-aaral upang mas maging handa sila sa pagharap sa mga hamon ng bagong akademikong taon. Sa pamamagitan ng simpleng handog na ito, ninanais ng programa na mabigyan ng inspirasyon at pag-asa ang mga kabataan upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang may sigla at determinasyon.
Maraming salamat sa mga guro at mga namumuno sa bawat paaralang aming binisita na nagpakita ng kanilang mainit na pagtanggap at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.
