Event details
- October 8-13, 2025
- 8:00 A.M - 5:00 P.M
- Oriental Mindoro Muncipalities
- +63 43 288 9470
Dahil sa pagtama ng Bagyong Opong sa ating lalawigan, partikular sa mga bayan ng Roxas, Bongabong, at Pinamalayan, maraming kabahayan ang napinsala, gayundin ang mga pinagkakabuhayan ng mga miyembro tulad ng palayan, gulayan, at sagingan.
Bilang agarang tugon, nagsagawa ang SFI ng pagkilos upang maihatid ang tulong sa mga miyembro na lubhang naapektuhan ng bagyo. Pinangunahan ng Bongabong Branch, Roxas Branch, at Pinamalayan Branch ang pamamahagi ng tig-limang (5) kilo ng bigas sa kabuuang 1,972 miyembro, na isinagawa mula Oktubre 8 hanggang 13, 2025.
Ang SFI ay patuloy na aalalay at magpapadama ng malasakit sa bawat miyembro, lalo na sa panahon ng kalamidad at pangangailangan.
