TREE PLANTING ACTIVITY

Event details

  • October 11, 2025
  • 8:00 A.M
  • Sitio Malayas, Poblacion 3, Victoria, Oriental Mindoro
  • +63 43 288 9470

Matagumpay na naisagawa ng SFI Victoria Branch ang "Tree Planting Activity" noong Oktubre 11, 2025, katuwang ang Office of the OIC-MENRO sa pamumuno ni Ms. Charity Linatoc. Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga opisyal ng Barangay Población 3, sa pangunguna ni Kapitan Doefrey Gannad, kasama ang mga residente at mga kliyente ng SFI.

Sa kabuuan, 60 Narra seedlings ang naitanim sa tabing ilog ng Sitio Malayas, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng SFI na gumawa ng isang konkretong hakbang tungo sa pagkakaisa ng komunidad upang mapangalagaan ang kalikasan.