Event details
- October 4, 2025
- 7:00 A.M-3:00 P.M
- Oriental Mindoro National High School, Calapan City, Oriental Mindoro
- +63 43 288 9470
Ipinagdiwang ng SFI Calapan Branch ang ika-25 anibersaryo noong Oktubre 4, 2025, sa Oriental Mindoro National High School. Sinimulan ito sa isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Jimson H. Ruga bilang pasasalamat sa dalawampu't taong paglilingkod at pagkakaisa.
Tinatayang 2,300 miyembro mula sa Calapan City, Baco, at Naujan ang dumalo sa makulay na selebrasyon, tampok ang mga palaro, raffle prizes, at iba pang aktibidad na inihanda ng mga kawani ng branch. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang SFI Branches at Head Office bilang tanda ng pakikiisa at suporta sa Calapan Branch.
