Event details
- September 20, 2025
- 8:00 A.M
- Puerto Galera Academy
- +63 43 288 9470
Ipinagdiwang ng SFI Puerto Galera ang ika-dalawampu't limang anibersaryo noong Setyembre 20, 2025 sa Puerto Galera Academy, ito ay sinimulan sa isang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Nestor J. Adalia sa Immaculate Conception Parish. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 800 miyembro mula sa bayan ng San Teodoro at Puerto Galera.
Sa naturang pagtitipon, naipakita at naipadama ang mahalagang kontribusyon at aktibong pakikilahok ng bawat kasapi na nagbunsod sa patuloy na paglago ng Puerto Galera Branch.
Naging masigla at maayos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga inihandang palaro at raffle prizes ng mga kawani ng branch. Dumalo rin ang mga kawani mula sa iba't-ibang SFI Branches at Head Office bilang tanda ng pakikiisa at suporta sa mahalagang okasyong ito.
