Soft Opening of Tacligan Food Products Manufacturing

Event details

  • October 16, 2024
  • Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro
  • +63 43 288 9470

Matagumpay na inilunsad ang Tacligan Food Products Manufacturing noong Oktubre 16, 2024, kasama ang mga miyembro ng SFI Puerto Galera Branch, Barangay Officials, at ang Barangay Captain ng Tacligan.

Ang proyektong ito ay bahagi ng livelihood initiative para sa mga miyembro ng SFI mula sa iba’t-ibang sentro ng Barangay Tacligan. Ito rin ay ang pagpapatuloy ng isinagawang skills training noong Agosto 9, 2024, kung saan ang mga miyembro ay natutong gumawa ng produkto mula sa saging at niyog. Sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Barangay, naglaan ng isang maayos na pwesto para sa itinayong tindahan.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng magandang ugnayan na nais ipakita ng ating chairman, si Fr. Jim, sa pamamagitan ng UBAS-UGNAYANG BARANGAY at SFI.