COMMUNITY BASED OUTREACH PROGRAM

Event details

  • March 25, 2023
  • -
  • Municipality of Naujan, Pola and Gloria
  • -

March 25, 2023

Sa gabay ni Fr. Jim, sa executive leadership ng CEO at CFO, isinagawa nina SPM Officer Derick, Manager Froi, Manager Jayson at OIC Mac Kevin, mga Account Officers ng mga SFI branches ng Victoria, Pinamalayan at Bansud at mga immersion students, ang Relief Operations sa Bayan ng Naujan, Pola at Gloria, para sa mga apektadong miyembro ng SFI dulot ng Oil Spill buhat sa lumubog na barkong MT Princess Empress.

Ang CBOP o COMMUNITY BASED OUTREACH PROGRAM ay program component sa ilalim ng SFI Flagship Program na naglalayon na makapaghandog ng tulong sa mga nangangailangan. Ang programang ito ang nagiging daan upang lalo nating maipakita ang pagmamalasakit at suporta sa bawat miyembro ng SFI.