Event details
- February 24, 2023
- -
- Barangay Libertad, Bayan ng Roxas
- -
Feb 24, 2023
Sa pamamatnubay ng Executive Adviser Fr. Jim, ehekutibong pamumuno ng CEO at CFO, isinagawa nina SPM Officer Direck, Manager Sally , AO Riezyl, Sir Cris Mateo TESDA trainor, ang Community Based Entrepreneurship Skills Training Program (CBESTP) ng SFI tied up with TESDA sa Barangay Libertad, Bayan ng Roxas, na dinaluhan ng mga magigiliw at masasaya na center chief, deputy, at mga kasapi ng SFI.
Ang CBESTP ay program component sa ilalim ng SFI Flagship Program na , Angat Hanapbuhay Tungo sa Matatag at Maunlad na Pamumuhay (AHT-MMP), na sumusuporta sa Community Based Microcredit Program (CBMP) ng SFI na gumagamit ng Grameen Bank Methodology (Productive Loan for Business) at Angat Negosyo Program.
Kinikilala ng mga barangay ang patuloy na pag bibigay ng dagdag kaalaman sa pagnenegosyo. Ang hangad natin ay Angat Hanapbuhay Tungo sa Maunlad at Matatag na Pamumuhay ng bawat miyembro ng Saklaw.
